CONCEPCION, Tarlac – Malubhang nasugatan ang tatlong katao nang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa barangay road ng San Antonio, Concepcion, Tarlac.

Ayon kay SPO1 Eduardo Sapasap, traffic investigator, isinugod sa ospital ang mga biktima na sina Jayson Manaloto, 18, driver ng Rusi motorcycle na walang plaka, residente ng San Nicolas Poblacion, at ang angkas nitong si Noel Agamin, 16, ng Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac.

Nasugatan din si Royet Cunanan, 15, driver ng Rusi motorized tricycle na may plate number RX- 3181, residente ng Bgy. San Bartolome, ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, patungo ang motorsiklo sa bayan ng Concepcion at pagsapit sa madilim na bahagi ng kalsada ay sinakop umano ng tricycle ang linya ng kasalubong na motorsiklo na naging dahilan ng banggaan. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog