PAGSASAMA-SAMAHIN ng Puregold Price Club Inc. ang pinakamaniningning na bituin ng bansa sa pinakamalaki at pinakaengrandeng pagtatanghal ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) – Sari-Sari Store Convention na magaganap sa Mayo 18 hanggang 22, sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinamagatang “PINASipag, PINASwerte, PINASenso: Isang Bayan Para Sa Panalong Tindahan,” ito na ang ika-11 taon ng convention na ng Puregold. Bibigyang-pugay sa convention ang lahat ng miyembro ng Tindahan ni Aling Puring sa buong bansa at kikilalanin nito ang kanilang sipag, tiyaga, at wagas na pagmamahal sa sari-sari store business – na itinuturing bilang pambansang negosyo. Nais din ng convention na ma-inspire ang future generation at future members ng Aling Puring na nangangarap na magkaroon ng mas magandang buhay sa pamamagitan ng sari-sari store o ng reselling business.

Patuloy ang pag-ayuda ng Puregold sa mga negosyanteng Pinoy sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pa nilang mapalago ang kanilang mga negosyo. Tanging Puregold lamang ang regular na nagbibigay ng sari-sari store at reseller packages at trainings sa mga entrepinoys. Kapuna-puna na ang mga sari-sari store owners mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay mas pinagkakatiwalaan dahil sila ay konektado sa Puregold at Tindahan ni Aling Puring.

Magtatanghal sa convention ang world-class performers sa pangunauna nina Bamboo, Sarah Geronimo, ang pop-rock band na Spongecola at iba pa. Darating din ang hosts ng Eat Bulaga na sina Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Vic Sotto at ilan pang mga sikat na artista kagaya nila Piolo Pascual, Julia Montes, Megan Young, Carla Abellana, Janella Salvador, Janine Gutierrez, Luis Manzano, Kim Chiu, Ryan Agoncillo, Daniel Matsunaga, Erich Gonzales, Ogie Alcasid, Kathryn Bernardo, Juila Barreto, Michael V., Zanjoe Marudo, Iza Calzado, Dimples Romana, Yassi Pressman, 4th Impact, at marami pang iba.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipapakita lamang ng mga miyembro ng TNAP ang kanilang bagong membership card upang libreng maging bahagi ng convention. At para lalong maging sumaya ang pagtitipon, maaaring matuto ang mga miyembro ng mga mahahalagang tips at methods mula sa mga libreng seminars ng mga nirerespetong negosyo masters kagaya nila Francis Kong, Chinkee Tan, RJ Ledesma, Michaelangelo Lobrin, Dennis Sy at Marvin Germo. Maaari ring i-enjoy ng mga members ang mga games kada oras at exciting raffle kung saan maaaring manalo ng Puregold gift certificates, gadgets, appliances at mga sasakyan.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin at i-like ang Puregold page on Facebook sa www.facebook.com/puregold.shopping at sundan ang @Puregold_PH sa Twitter, at @puregold_ph sa Instagram.