SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 41-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang motorcycle-riding criminal sa Gapan-Olongapo Road sa Barangay Malapit sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng San Isidro Police ang biktimang si Dennis Franco y Garcia, 5-6 creditor, may asawa, ng Likod Drive, Bgy. San Nicolas, Gapan City, na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng .45 caliber pistol sa katawan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Richard Bondoc, dakong 10:30 ng umaga at sakay ang biktima ang kanyang Kawasaki Bajaj motorcycle (2781-RH) patungong Gapan City nang biglang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin siya nang malapitan.

May hinala ang pulisya na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay, dahil sangkot umano ang biktima sa bawal na gamot. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog