NAIROBI, Kenya (AP) — Hindi rin masasaksihan ng sports fans ang husay ni Marathon world-record holder Dennis Kimetto.

Ipinahayag ng pamosong long distance runner na hindi siya makakasama sa Kenyan Team na sasabak sa Rio de Janeiro Olympics sa Agosto 5-21.

Hindi rin kabilang sa koponan si two-time London Marathon champion at 2012 Olympic bronze medalist Wilson Kipsang na umatras dahil sa personal na dahilan.

Bunsod nito, pangungunahan ni Eliud Kipchoge, kampeon sa 2016 London Marathon kung saan naitala niya ang course record at ikalawang pinakamabilis na tyempo sa kasaysayan, ang men’s run ng team ng Kenya.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Naitala ni Kipchoge ang bilis na dalawang oras, tatlong minuto at limang segundo – walong segundo ang layo sa tiyempo na world record ni Kimetto noong 2014 – nang pagwagian ang London Marathon ngayong taon.

Makakasama ni Kipchoge sa koponan sina Stanley Biwott at Wesley Korir, sa opisyal na line-up na ipinahayag nitong Martes, habang nasa reserve sina Cyprian Kotut at Bernard Kipyego.

Nagdesisyon na hindi na sumabak sa Olympics sina Kimetto at Kipsang matapos lumagda ng kontrata na lalahok sa ilang karera matapos ang Rio Games.

Tatampukan naman ni Jemima Sumgong ang women’s team kasama sina Helah Kiprop at Visiline Jepkesho, habang reserved sina Mary Keitany at Florence Kiplagat.