NAGHIWALAY na ang isa sa pinakamatagal nang couple sa ever challenging na mundo ng heavy metal music, sina Ozzy at Sharon Osbourne.

Sa mga ulat nitong nakaraang Linggo, ibinalita ng celebrity news outlets na E! News at Entertainment Tonight ang pagkumpirma ng mga hindi pinangalanang source na tinapos na ng mag-asawang Osbourne ang kanilang mahigit 33 taong pagsasama.

Gayunman, iniulat ng People magazine na bagamat lilisanin ng 67-anyos na si Ozzy ang kanilang mansiyon sa Los Angeles, ang paghihiwalay ng mag-asawa ay pansamantala lang.

Ayon sa People, may kinalaman ang hiwalayan sa mga suspetsa ni Sharon na may ibang karelasyon si Ozzy. Iniulat ng tatlong news outlet na tuluy-tuloy nang nagpakatino si Ozzy, na notorious sa pagiging lulong sa alak at droga.

David Licauco, nami-miss si Maria Ozawa!

Nakilala ni Sharon, 63, si Ozzy noong ang kanya pang ama ang manager ng Black Sabbath, ang orihinal na banda ni Ozzy na nagsimula sa Birmingham, England at nakatulong para makilala ang heavy metal music.

Hindi lamang basta pinakasalan ni Sharon si Ozzy, siya na rin ang nangasiwa sa solo career ng asawa, nag-recruit ng maraming talented na gitarista at kompositor na nagpakilala sa kanya bilang main man sa heavy metal music — at maging sa napakaraming kontrobersiya — sa loob ng maraming taon.

Sa sobrang tagumpay ni Sharon, naging manager pa si Sharon ng iba pang hard rock acts.

Higit na nakilala ng mundo si Sharon noong unang bahagi ng 2000s nang itampok sa MTV reality TV show na The Osbournes ang buhay nila ni Ozzy at ng dalawa sa tatlo nilang anak. (Agencé France Presse)