Andy Murray

MADRID (AP) — Isang panalo para maidepensa ang kampeonato.

Umusad sa championship round si defending champion Andy Murray nang gapiin si Rafael Nadal, 7-5, 6-4, sa Madrid Open nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagawang ma-save ni Murray ang 11 break point para mapabagsak ang karibal sa rematch ng kanilang duwelo sa nakalipas na taon. Makakaharap niya ang top-ranked na si Novak Djokovic, nagwagi kontra No. 6 Kei Nishikori 6-3-7-6 (4) sa hiwalay na semi-final.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Nabasag ni Djokovic ang service play ni Nishikori isang beses sa bawat set at umiskor ng 22 winner para mapanatili ang kampanya na maitala ang ika-32 panalo ngayong taon.

Tatangkain ni Djokovic na tanghaling kauna-unahang player na makapagwawagi ng 29 Masters title.

“It wasn’t easy to play in these very windy conditions, but overall I’m very pleased,” pahayag ni Djokovic.

“Andy has tremendously improved in the last couple of years on the clay courts,” Djokovic said. “(He has) already proved that he’s definitely one of the best players in the world in this surface as well. The rivalry continues. We have so many great finals, great matches, and I look forward to another one,” aniya.

Sa women’s final, ginapi ni Simona Halep ng Romania si Dominika Cibulkova ng Slovakia, 6-2, 6-4 para sa ika-12 career title.