Inaasahang raratipikahin ng Kamara ang bicameral conference committee report sa panukalang reorganisasyon at modernisasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 23 hanggang Hunyo 10, 2016.

Matapos maratipika ang conference committee report, ipadadala ang panukala kay Pangulong Aquino para sa kanyang paglagda upang maging ganap na batas ito.

Pinagtibay ng Senado ang conference committee report noong Pebrero 3 bago nagsara. Pinagsama ng conference committee report ang Senate Bill 2950 at House Bill 5855.

Nakasaad sa panukalang “National Bureau of Investigation Reorganization and Modernization Act,” na tungkulin ng estado na isulong at panatilihin ang isang epektibo, moderno, gender responsive, may kakayahan at bihasang investigative body, na nasasaklaw ang buong bansa. (Bert de Guzman)
Tsika at Intriga

Nakakaloka! Gerald Sibayan, may nabuntis daw sey ni Xian Gaza