May 31, 2026

Home FEATURES Trending

Nawalang aso, lumangoy sa ilog para makabalik sa fur parents

Nawalang aso, lumangoy sa ilog para makabalik sa fur parents
Photo courtesy: Michelle Pabingwit (TikTok screenshot)

Kinaantigan ng netizens ang naging reunion ng isang aso sa kaniyang fur parents matapos itong makita na lumalangoy sa ilog matapos mawala ng ilang araw. 

Mapapanood sa viral video ng fur parent na si Michelle Pabingwit na malayo-layo ang nilangoy ng asong si Coco bago makuha ng ilang residente. 

Sa caption, ikinuwento rin ni Michelle na dalawang araw nawala si Coco matapos siya makalabas sa gate ng kanilang bahay, at sa mga araw na ito, walang humpay ang paghahanap nila. 

Mula sa pagtatanong-tanong sa iba pang residente hanggang sa pag-review ng CCTV footage upang balikan kung saan posibleng nakarating si Coco, ginawa raw nila Michelle ang lahat upang muling makita ang kaniyang fur baby. 

“You slipped out of the gate and got lost. For two days, we searched everywhere for you. We asked people around for help, reviewed CCTV footage to see where you might have gone, and kept going around the area day and night hoping to find you. We never stopped looking for you ,” saad ni Michelle. 

Trending

Bakit ‘Sharmaine’ ang itinatawag ng netizens sa prutas na orange ngayon?

Kaya nang may nagsabing sa kanilang residente na mayroon sila nakitang puting aso na nagbabaybay sa ilog, agad itong pinuntahan nina Michelle. 

Aniya pa, hindi siya makapaniwalang lumangoy si Coco dahil takot daw ito sa tubig at ayaw naliligo. 

“Then someone told us they saw a white dog just swimming around in a river. At first, I couldn’t believe it was you, Coco. You’re scared of water and you don’t even like taking a bath. But we still went to check the river,” saad ni Michelle. 

Sa muli nilang pagkikita, paulit-ulit daw na tinawag nila Michelle ang pangalan ni Coco hanggang sa lumangoy ito patungo sa kaniyang fur dad, at sa pagkakataong ito, hindi na raw  napigilang maiyak ni Michelle dahil sa pasasalamat. 

“We called your name over and over again ”Coco!” Suddenly, you came out and started swimming toward your Furdad. At that moment, I couldn’t stop crying. I was so overwhelmed with relief and gratitude,” ani Michelle. 

Kaya kinilala rin ni Michelle ang tulong ng residenteng nagturo sa kanila kay Coco. 

Gayundin sa mga kaanak na tumulong din sa kaniyang maghanap kay Coco. 

“Thank you to the kind kuya who told us where you were last seen, and thank you to my family who helped search for you and never gave up looking,” pasasalamat ni Michelle. 

“Most of all, thank you, Lord, for hearing my prayers. After two long nights, we finally found Coco. ,” dagdag pa niya. 

Sa kabilang banda, naginhawaan din ang netizens na nakapanood ng reunion ni Coco sa kaniyang fur parents online. 

“Thank God!”

“awww, cocoo! so glad you’re now home ”

“she's so strongg ate”

“I'm so happy you found your baby!!! ”

“thankyou for not giving up! hope coco is ok now.”

Ang nasabing reel ay kasalukuyan nang nasa 249.7k reactions sa TikTok.