Hindi dumalo sa Senate plenary session nitong Lunes, Hunyo 1, ang mga senador na miyembro majority bloc.
Nakatakda sanang magsimula sa sesyon ng 5:00 PM ngayong araw.
Ang hindi pagdalo ng majority bloc senators ay kasunod ng pagsuko ni Senador Jinggoy Estrada sa awtoridad matapos ibaba ng Sandiganbayan ang ikalawang arrest warrant laban sa kaniya para sa non-bailable plunder case niya kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Iginiit ni Estrada sa kaniyang press conference nito ring Lunes na makailang beses umano siyang inalok na lumipat sa Senate minority bloc upang tuluyang maabswelto siya sa plunder case na isinampa sa kaniya ng Office of the Ombudsman.
Samantala, sinabi ni Senador Migz Zubiri na walang nagsabi mula sa majority bloc na magka-cancel sila.
Dagdag pa niya, handa silang maghintay sa mga kapwa senador.
As of 5:30 PM, wala pa rin ang mga majority bloc senator, habang kumpleto naman ang minority bloc senators.