May 31, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Say cheese!’ Paano magkaroon ng ‘instagrammable’ smile at pose sa mga litrato?

‘Say cheese!’ Paano magkaroon ng ‘instagrammable’ smile at pose sa mga litrato?
Photo courtesy: Pexels

Maituturing na “goals” para sa marami ngayon ang pagkakaroon ng “Instagram-worthy” feed. 

Mula sa litrato ng kalangitan, dagat, bundok, florals, o pang-soft launch ng ka-talking stage o jowa, kaniya-kaniya ang aesthetic ng bawat netizen, mapa-Gen Z man, Millennial, Gen X, o kahit na Boomer. 

Gayunman, may marami pa rin ang camera shy sa kanilang feed dahil hindi nila alam ang gagawing pose at ekspresyon sa harap ng camera.

Dahil dito, alamin kung paano magkaroon ng “instagrammable” smile at pose na ilalabas ang kagandahan at kagwapuhan sa social media feed: 

Maging “candid” at huwag mahiyang tumawa

Human-Interest

Once in a blue moon: Mga pamahiin sa paglitaw ng 'Blue Moon'

Ayon sa tips ng ilang photography enthusiasts, ang pagiging expressive at “free” sa harap ng camera ay nakatutulong upang mas maging natural ang expression dahil dito nakikita ang features at personalidad ng subject o kinukuhanan ng litrato. 

Gumalaw-galaw sa camera

Lumalakad man o nag-aayos ng butones sa damit, ang paggalaw sa harap ng camera ay nakatutulong upang maging “candid” ang subject at hindi siya magmukhang pinilit o stiff.

Maging creative sa pag-project ng mga kamay 

Bukod sa ekspresyon at pose, maaari ring ma- “break or make” ng mga kamay ang buong look ng subject sa litrato. 

Kaya ilan sa mga maaaring gawin dito ay ang paghawak sa buhok, pag-aayos ng damit, paghawak ng props, o kaya’y paglalagay sa loob ng bulsa. 

I-practice ang mga pose at ekspresyon sa harap ng salamin

Bago ang mismong photoshoot o simpleng picture-taking, ipinapayo ng ilang enthusiast na i-practice ng magiging subject ang nais na pose at ekspresyon sa harap ng salamin upang makita ang magiging itsura at anggulong mas babagay sa sarili. 

Maging confident sa sarili 

Higit sa lahat, ang pagiging confident sa harap ng camera ay nakatutulong upang ma-enjoy subject at kaniyang mga kasama sa shoot, na maaari pang maging isang magandang memorya tuwing titingnan ang mismong litrato.