THE HAGUE (AFP) – Mayroong labis na nakababahalang senyales na ang grupong Islamic State ay gumagawa ng sarili nitong chemical weapons at maaaring ginamit na ang mga ito sa Iraq at Syria, inihayag ng isang global watchdog nitong Martes.
Sinabi ni Ahmet Uzumcu, pinuno ng Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons, na nakahanap ang kanilang fact-finding teams ng ebidensiya na gumamit ng sulphur mustard ang IS sa mga pag-atake sa dalawang bansa. Hinimok niya ang mga bansa na magbantay laban sa anumang chemical attacks sa labas ng Syria at Iraq.
“The international community should be very vigilant to such threats and cooperate further to prevent such attacks from occurring elsewhere,” ani Uzumcu sa sidelines ng tatlong araw na pagpupulong sa Hague-based headquarters ng OPCW.