NAKATIKIM ng alipusta ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros mula sa isang supporter ni Rodrigo Duterte nang hayagan siyang sumuporta kay Mar Roxas na mahigpit na kalaban ng kanilang manok. Dismayado si Melai at masama ang loob sa naturang Duterte supporter na nag-post sa Facebook ng wish na balang araw na ma-rape daw ang anak nila ni Jason Francisco na ngayo’y dalawang taong gulang pa lamang. 

Kahit binuweltahan na ni Melai sa online ang nasabing basher, hindi niya napigilang magsalita sa kanyang morning show para pagsabihan ito.

“Gusto ko lang naman is mag-message doon sa nag-message doon sa anak ko na talagang nawalan siya ng respeto. Ngayon, kung anong pinagsasabi niya sa anak ko pero kahit anong intindi gawin ko, hindi ko maintindihan, eh. Sa akin, okay lang, eh, kung anong sabihin mo, go. Pero ‘pag sa anak ko, hindi p’wede… ‘Pag sasabihin mo masama, hindi normal ‘yun sinabi mo na ma-rape. Para sa akin, below the belt ka na,” mangiyak-ngiyak na mensahe ng TV host/komedyana na napapanood din sa seryeng We Will Survive.

Mapapatawad lamang daw niya ang basher kapag ito’y humingi ng apology.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

“Kaya dapat talaga magawan ito ng aksiyon na malaman mo na mali na mali ‘yung ginawa mo. Kung mag-sorry ka, tatanggapin ko pero ito, in behalf sa lahat ng mga artista na alam n’yo, tahimik lang kasi ayaw na ng gulo. Ayaw ko ng gulo, sumagot sa ganito, pero ‘pag below the belt na, ay sorry ka, ina ako. Momsie ako na ipaglalaban ko ang anak ko. Kung mag-sorry ka naman, tatanggapin ko, eh. Mag-sorry ka lang.”

Pasalamat pa rin ang basher na bagamat magbalak na magsampa ng reklamo sa DSWD si Melai, mapagpakumbabang tao ito.

Ipinapasa-Diyos na lang ni Melai ang mga ‘di kagandahang pangyayaring ganito sa kanyang buhay. (ADOR SALUTA)