Handa at hindi tatanggihan ng newly-crowned UAAP women’s volleyball champion De La Salle Lady Spikers ang pagkakataon na makapaglaro para sa bandera ng Pilipinas sakalingalukin na katawanin ang bansa sa Southeast Asian Games.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga miyembro ng Lady Spikers kahapon sa kanilang pagbisita sa PSA Forum.

“Hinding-hindi ko po tatanggihan yan at kami pong lahat ay handang maglaro para sa bayan,” pahayag ni Kim Fajardo.

“Iba po ang pakiramdam siyempre na naglalaro ka para sa bansa at saka iyung experience mo na makukuha playing against other countries,” aniya.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ganito rin ang naging kasagutan ng mga magsisipagtapos na sina Mika Reyes, Ara Galang, Cid Demecillo, gayundin ang nalalabing seniors sa team na sina Mary Joy Baron at Kim Kianna Dy.

“It will be one great experience,”pahayag ni Dy, tinanghal na 78th UAAP Season volleyball Finals MVP. “Hindi po matatawaran kung naglalaro ka siyempre for your flag and country.”

Wala pang permanenteng koponan ang Philippine volleyball bunsod na rin ng kasalukuyang sigalot na liderato ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. at Philippine Volleyball Federation.

Sa kabila nito, nakakahingi ng tulong ang LVPI sa Philippine Sports Commission (PSC) bunsod na rin ng basbas ng Philippine Olympic Committee.

Nakamit ng la Salle ang ikasiyam na UAAP volleyball crown nang mapigilan si Alyssa Valdez at ang Ateneo Lady Eagles sa target na kasaysayan sa liga – ang “three-peat”. (Angie Oredo)