Hataw si Tey Teodoro sa naiskor na 30 puntos para gabayan ang Jose Rizal University-B kontra Centro Escolar University-A, 72-66, nitong Linggo sa pagpapatuloy ng 22nd Fr. Martin Cup basketball tournament sa San Beda Gym.

Umarya rin ang Heavy Bombers-A nang gulantangin ang San Sebastian, 87-84, at makisalo sa San Beda sa unahan ng Group A leaderboard na may 3-1 marka.

Nanguna sina Abdoul Poutouchi at Jordan Dela Paz sa JRU-A sa naiskor na tig-18 puntos.

Ginapi ng Mapua ang Letran-B, 87-83, tampok ang 15 puntos ni Josh Layug.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagwagi rin ang JRU juniors team laban sa Sta. Maria, Pampanga, 108-59, habang naungusan ng La Salle Greenhills-B ang San Beda Alabang, 67-62.