JAEN, Nueva Ecija - Isang 63-anyos na magsasaka ang natagpuang patay habang nakahandusay sa papag na kawayan matapos makipag-inuman sa mga kaibigang dinayo pa niya sa Barangay Pinanggaan sa bayang ito.

Kinilala ng Jaen Police ang nasawi na si Vicencio Tinio y Domingo, residente ng Sitio Campugo, Bgy. Sto. Tomas South.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Edwin Vicmudo, dumayo si Tinio sa bahay ni Rodolfo Javate y Cabangan, 54, sa Bgy. Pinanggaan para makipamiyesta at makipag-inuman, ngunit makalipas ang ilang oras ay sinabi ng biktima na hihiga muna siya sa papag para magpahinga hanggang sa makatulog siya.

Gayunman, nang tinangka ni Javate na gisingin si Tinio ay hindi na ito humihinga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

May hinala ang doktor na posibleng na-heat stroke si Tinio. (Light A. Nolasco)