KILALANIN pang lalo ang Kapuso actress at host na si Carla Abellana sa programang Tunay na Buhay.

Tila hindi nawawalan ng proyekto si Carla. Siya ang gumanap na Rosalinda sa remake ng sikat na Mexican telenovela.

Naka-love triangle na rin niya ang gay lover ng kanyang husband sa isang natatanging serye. Linggu-linggo rin niyang pinatatakam ang mga manonood sa masasarap na putahe na kanyang niluluto. Bukod sa pagganap sa karakter na Andrea sa romantic comedy series na Because of You, host din si Carla ng weekly drama anthology na Karelasyon. 

Kasama si Rhea Santos, alamin kung sino si Carla sa likod ng camera sa Tunay na Buhay, bukas, Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach