CONCEPCION, Tarlac - Kritikal na isinugod sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki matapos siyang pagtatagain ng tatlong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, na pinaniniwalaang nakursunadahan lang siya sa pagdaan sa F. Timbol Street sa Barangay San Nicolas, Concepcion, Tarlac.

Ayon kay SPO1 Eduardo Sapasap, pinagtataga sa ulo si Jessie Manalili, ng Bgy. San Nicolas, habang naaresto naman ang tatlong suspek na si Jerry Oracion, 25; at ang dalawang 17-anyos na lalaki, pawang taga-Bgy. San Jose, Concepcion.

Napag-alaman na nakatayo sa gilid ng kalsada si Manalili kasama ang ilang kaibigan nang napadaan ang tatlong suspek na sakay sa isang tricycle (RT-457) na nag-trip sa grupo ng biktima hanggang sa magkasuntukan sila at pagtatagain ng mga suspek si Manalili. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?