Ni NORA CALDERON

Alden at Dra. Vicky USAPANG Instagram: “Victoria_belo Guess who came to breakfast this morning, @aldenrichards02.”

Pero hindi ang breakfast ang dahilan ng pagpunta ni Alden Richards sa bahay ni Dr. Vicki Belo. Since nasa way niya, mula sa kanila sa Sta. Rosa, Laguna to Broadway Centrum for his Eat Bulaga ang house ni Dr. Vicki, dumaan si Alden para bisitahin ang maysakit na ina ni Doktora. 

Alden Richards: Ma’am, hope you get well soon.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Mommy: I will if you marry me!

Alden: I have to buy you a diamond ring.

Mommy: Make it 10 carats, ok?

Umabot na ng more than four thousand ang likes at more than 100 ang comments sa post ni Dr. Vicki na nagsasabing kaya blessed si Alden, hindi siya nakakalimot sa mga kaibigan. 

Sa post pa nga ni Dr. Vicki: “He’s still the same sweet wonderful guy I first met five years ago.”

Totoong blessed si Alden dahil sunud-sunod pa rin ang endorsements na dumarating sa kanya, sa kanila ng ka-love team at “better half” niyang si Maine Mendoza.

Dinarayo na ang kanyang kabubukas na Concha’s Gardem Cafe sa Tagaytay na noong isang gabi ay maagang nagsara dahil may event na magaganap. Dinaluhan ito ni Alden, pero bumalik din siya agad ng Manila dahil may event ang bago nilang ini-endorse ni Maine na New Mirage Hatchback Mitsubishi na soon ay mapapanood na rin ang ginawa nilang TV commercial.

Kahapon, may meet and greet naman sila ni Maine para sa ini-endorse nilang biscuit sa Activity Center ng Glorietta 4. 

Samantala, naging cautious na si Maine after ng hindi magandang insidente sa kanya sa sugod-bahay ng EB noong Wednesday. Ayon sa taong malapit kay Maine, wala nang magagawa, talagang nangyayari ang mga ganoon, hindi lang kay Maine kundi maging sa ibang celebrities din, kaya kailangang magdobleng ingat na lamang. 

Kaya kapag nakita na ni Alden na napakarami ng tao sa barangay na pinupuntahan nila, agad siyang nagpapaalala kay Maine. Napansin din na mas marami nang security si Maine nang dumayo sila sa Lubao, Pampanga noong isang araw na lahat na yata ng tao sa barangay, dumayo at kinailangan na nilang makiusap sa isang bahay kung puwedeng doon na lamang sila at ang nabunot na contestant na lamang ang pumunta kina Jose Manalo, Wally Bayola at Maine.