NATUWA kami nang malaman naming babalik na sa kilalang TV network ang mahusay na aktres na kaliwa’t kanan ang best actress awards.

Nanghihinayang kami sa mahusay na aktres dahil kahit sangkaterba ang projects na ibinibigay sa kanya sa TV network na pinaglilingkuran niya ngayon ay parang hindi man lamang siya nagmamarka sa televiewers.

Mas napapansin siya kapag gumagawa siya ng indie film na nakakapagbigay sa kanya ng best actress trophies.

Gusto namin ang aktres dahil bukod sa mahusay siya sa larangan ng pag-arte ay magaling din siya sa comedy, huwag nga lang pakantahin dahil parang hindi naman niya linya ‘yun.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Higit sa lahat, masarap siyang interbyuhin dahil walang off the record at nakakatawa pa nga minsan dahil marami siyang kuwento tungkol sa sarili niya na nakakatawa. Higit sa lahat, sinasabi niyang pabiro kapag ayaw niya sa isang tao o maging sa nag-iinterbyu sa kanya, kaya nakakaloka.

‘Pag nakaharap namin siya ay itatanong namin kung nagbago na ang paniniwala niya sa buhay tungkol sa pag-ibig dahil lagi niyang ipinagmamalaki noon na kapag nagmahal siya ng totoo ay aaminin niya sa publiko.

 

May mga nababalitaan kami na nakarelasyon niya pero hindi naman niya inaamin at ang mga naging ex-boyfriend lang niya ang umaamin, base sa pagkakatanda namin.

May naging ka-loveteam noon ang mahusay na aktres na aktor din at marunong ding umarte, pero mas inuna ang pagiging playboy kaya hayun, hindi sila nagtagal.

At mukhang hindi rin uubra na may ka-love team siya dahil tiyak na ookrayin lang niya lalo na kapag hindi lumi-level sa kanya pagdating sa pag-arte ha-ha-ha.

Heto pa, Bossing DMB, kapag wala siyang project, bored siya kaya nagpapagupit ng buhok, gets?

(Hala! True ba ito? --DMB) (REGGEE BONOAN)