ISA ang relasyon nina Kylie Jenner at Tyga na mahirap subaybayan sa Hollywood.

Magmula nang maging magkasintahan ang dalawa noong nakaraang taon, mas marami pa ang kanilang on and off sa wigs ni Kylie.

Ngunit ayon sa bagong upload na Snapchat video ng reality star, hindi magkamayaw ang kanyang fans kung tuluyan na nga niyang hiniwalayan ang binata.

Makikita sa video post ni Kylie na nakikipaglambingan siya sa isa sa mga aso niya, ngunit ang caption na kanyang inilagay ang siyang nagpataas ng kilay ng marami.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Can I just date my dog?” tanong ng dalaga.

Isa ito sa mga kadalasang tanong ng kababaihan, lalo na kapag nakakaramdam na ng panhihinawa sa karelasyon.

Girl, kung gano’n lang sana kadali!

Ilang beses nang napatunayang niloloko ni Tyga si Kylie, ang pinakabago ay nitong kasama ng una niya ang Australyanang modelo na si Tiffani Kathleen Birdas.

Maaari ring na-turn off na ang dalaga sa mga balitang naghihirap na raw si Tyga.

Diumano, ilang libong dolyar ang pagkakautang ni Tyga sa kanyang renta at marami na ring pag-aaring luxury car na isa-isang napupull-out.

Pero ang pinakamatindi sa lahat ng napapabalitang paghihirap ni Tyga ay ang lumabas noong nakaraang linggo lamang nang alamin ng LAPD kung anong sasakyan ang kinalululanan niya.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis dahil ang suspetya nila ay lulan si Tyga ng sasakyan na kilalang gang members ang nakasakay.

Hindi naman direktang nasangkot si Tyga sa nasabing imbestigasyon ngunit ang nakakaalarma at mapanganib ang pangyayari para kay Kylie.

Hindi na rin madalas na nakikita si Tyga sa mga Snapchat videos ng dalaga, at kasabay na rin ng dumaraming iba’t ibang katanungan bunga ng mga usap-usapan at tsismis, ay maaaring posible nga na ibinigay na nito ang lumang Bailman boot sa rapper.

Kumpara naman sa aso, masasabing tama lang ang naging desisyon ni Kylie.

TheHollywoodGossip.com (Isinalin sa Filipino ni Jamie Rosseditt P. Garcesa)