Isang Grade 9 student ang nasawi matapos mabundol ng isang rumaragasang trailer truck habang tumatawid sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Marliex Vital, 15, at residente ng 319 Rulloba Street, Sta. Mesa.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng truck na hindi naplakahan.

Ayon kay Fracis Lucero, barangay tanod, dakong 12:35 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa northbound lane ng Nagtahan flyover sa harap ng EARIST sa Sta. Mesa.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Tumatawid umano ang biktima nang mabundol ngunit sa halip na hintuan ay pinaharurot pa ng suspek ang minamanehong truck.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Borbon, ng Manila District Traffic Enforcement Unit, na napisak ang mata at nalasog ang balakang ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Mary Ann Santiago)