LAST four taping days na lang pala angHappy Truck Happinas para sa bagong format nito bilang gag show. Akala pa naman namin ay hindi na mawawala sa ere ang nasabing programa.

Hindi raw kasi nagustuhan ng ilang hosts ang bagong format ng programa ng TV5 na ililipat sila sa Biyernes, 9:30 PM timeslot, at makakatapat ng Bubble Gang.

E, di ba, Bossing DMB, galing sa Bubble Gang si Ogie Alcasid at minsan naman ay nakakapag-guest si Janno Gibbs? At higit sa lahat, magkakaibigan sila ni Michael V na nanatiling loyal sa GMA-7.

Hindi nabanggit ng aming source kung sina Ogie at Janno nga ang may ayaw na maging gag show ang Happy Truck Happinas at makakatapat pa ng Bubble Gang na programang pinanggalingan nila.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Bukas, Linggo, ang taping ng unang episode bilang gag show at kagabi raw ay nagkaroon ng emergency meeting ang ilang hosts ng Happy Truck Happinas na inaayawan nila ang bagong konsepto.

So, matuloy pa kaya ang taping bukas? (Reggee Bonoan)