Abril 29, 1429 nang matagumpay na mapasok ng French peasant na si Joan of Arc, sa pangunguna ng puwersa ng French, ang lungsod ng Orleans, na inokupahan ng English. Siya ay 17 taong gulang pa lamang noon.

Wala siyang naranasang problema sa pagtungo sa nasabing lungsod, at nilisan ng English forces ang nasabing lungsod noong Mayo 8 ng nasabing taon.

Taong 1428, “narinig” niya si St. Michael at dalawa pang santo na “aatasan” siyang sagipin ang Orleans, at tulungan si Charles na talunin ang English forces sa France at makuha ang trono.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos