BAUAN, Batangas – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Bauan, Batangas nitong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Gilbert Alvar, ng Barangay 3, sa naturang bayan.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office, (BPPO), dakong 12:50 ng madaling araw, ipinaparada ni Alvar ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin sa harap ng Brocks Burger sa Binay Street. Isinugod sa Dr. Mario Bejasa General Hospital ang biktima subalit namatay din sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog