Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Mayo 9, Election Day, bilang isang special non-working holiday sa buong bansa.

Inihayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na nilagdaan ng Pangulong Aquino ang Proclamation No. 1254 na nagdedeklara sa Mayo 9 bilang isang special non-working holiday upang mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na magtungo sa mga presinto para bumoto.

“May 9, Election Day, is a special non-working holiday per Proclamation No. 1254 signed by President Aquino on April 25, 2016,” sabi ni Coloma.

Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec), mayroong 54,363,844 valid voters sa buong bansa.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

(Madel Sabater-Namit)