LABRADOR, Pangasinan – Isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayang ito ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Antonio “Tony” Rosario Ferrer, 68, may asawa, kandidato ng Liberal Party.

Dakong 11:00 ng umaga nitong Abril 24 nang matagpuan ng mga kaanak na wala nang buhay si Ferrer na inakalang namamahinga lamang.

Pinaniniwalaang namatay ang biktima dahil sa matinding stress sa kampanya, at inatake ng sakit nito sa puso.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(Liezle Basa Iñigo)