Nawalan ng masisilungan ang 35 pamilya matapos ang sunog sa UP Village sa Quezon City, kahapon ng umaga, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa report ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, dakong 10:00 ng umaga nang magsimula ang apoy sa tirahan ni Eduardo Magalso at mabilis na tinupok ang 20 bahay sa CP Garcia Ave., UP Village, Diliman, Quezon City.

Ayon sa arson probers, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog, na umabot sa ikatlong alarma bago naapula dakong 11:50 ng umaga. Tinatayang P150,000 ang napinsalang ari–arian.

Walang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Nakakaloka! Conspiracy theory tungkol kay Beyoncé, nagkalat sa social media