INAABANGAN na ni Kevin Jonas at kanyang misis na si Danielle ang pagsilang ng kanilang ikalawang anak.

Ibinahagi ni Kevin ang magandang balita sa Twitter kalakip ang litrato nilang mag-asawa sa kama na makikitang nagbabasa si Kevin ng parenting self-help book, “What to Expect When You’re Expecting Again”, at napapalibutan naman si Danielle ng junk food.

“Prepping for baby number two! #babyjonas2,” paglalarawan ni Kevin, 28, sa kanilang cute na litrato nitong Lunes.

Ibinahagi rin ni Danielle ang magandang balita, nag-tweet ng litrato ng kanilang 2 taong gulang nilang anak na si Alena Rose suot ang “Big Sister” shirt, at may caption na, “Someone is happy.”

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Isinilang ni Danielle ang anak nila ni Kevin, nagpakasal noong 2009, noong Pebrero 2014.

Congrats sa mag-asawang Jonas! (ET Online)