PALAISIPAN sa netizens kung sino ang aktor na nakunang natutulog na nakalabas ang private part dahil nakalislis ang t-shirt na ipinost ng Fashion Pulis.

Kanya-kanyang hula ang mga katoto kung sino ang aktor. May nagsabing sina Zanjoe Marudo, Enchong Dee at James Reid.

“Halatang pagod kasi tulog na tulog, hindi niya naramdaman na may tao sa paligid niya at nakunan siya ng picture with his crotch, nakakaloka siya,” tsika sa amin ng ilang nakakita.

Timing naman na nu’ng nagkaroon daw ng set visit sa pelikulang This Time ay nakunan ng litrato si James na naka-jogger at may nakabukol habang kausap ang entertainment media na naging dahilan para maasiwa ang ilan.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Tinext namin ang dalawang aktor na kasama sa hula pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.

Kaya payo sa mga artista, siguraduhin na kayo lang ang tao sa kuwarto o sa standby area ninyo kapag natulog kayo o kaya magdala kayo ng kumot para hindi kayo makunan ng hindi maganda. Aircon naman ang tulugan n’yo kaya keri lang may pangtakip. (Reggee Bonoan)