Piolo Pascual

Ni JIMI ESCALA

ANG seryeng Hawak Kamay ang huling teleseryeng ginawa ni Piolo Pascual. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang napanood ito at hanggang ngayon ay wala pang bagong serye si Papa P. 

Ngayong taon sana ay may bago siyang gagawin, ang Written In Our Stars kasama si Toni Gonzaga, pero dahil sa pagbubuntis ng huli ay pansamantalang isinantabi ng Kapamilya Network ang proyekto. 

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Excited na sana si Papa P sa muling pagsasama nila ni Toni G, na nakasama niya sa blockbuster movie nilang Starting Over Again, pero naiintindihan niya ang sitwasyon nito.

“For now we’re not sure what’s going to happen. Of course we have to respect Tin, hindi naman natin pipigilin ‘yun sa ngayon, so hintay tayo,” sey ni Piolo

Tiyempo namang malapit na ring ipalabas ang pelikulang Love Me Tomorrow na pinagbibidahan niya with Dawn Zulueta at Coleen Garcia. 

Pagkapalabas ng pelikula at habang hinihintay ang availability ni Toni para sa gagawin nilang serye, balak ni Papa P na kumuha muna ng crash course sa London.