Nonito Donaire

Pinatunayan ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na karapat-dapat siyang pumalit sa nagretirong si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa impresibong knockout win sa ikatlong round kontra kay Hungarian Olympian Zsolt Bedak nitong Sabado ng gabi, sa Cebu City Sports Center.

Pinakiramdaman muna ni Donaire kung nakaririndi ang lakas ni Bedak sa unang dalawang round, bago nagpakawala ng matitinding bigwas para paluhurin ang karibal.Kaagad na itinigil ng referee ang laban para malimitahan sa injury si Bedak.

“Bedak came into the third round still wobbly from the two knockdowns. Donaire Jr. continued to pressure and attack, and Bedak once again went down in the third. Referee Russel Mora stopped the fight in the 2:44 mark of the third,” pahayag sa fight report.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Bunsod ng panalo, nahila ni Donaire Jr. ang karta sa 37-3 tampok ang 23 knockout, habang bagsak si Bedak sa 25-2. Ito ang ikawalong TKO loss ni Bedak sa pro career.

Pinatunayan naman ni Mark “Magnifico” Magsayo na siya ang bagong world title prospect ng Pilipinas matapos talunin ang beteranong si Chris “The Hitman” Avalos ng US sa ikaanim na round ng kanilang sagupaan para masungkit ang bakanteng WBO International featherweight title.

“Mark Magsayo (14-0, 11 KOs) proved why he’s one of the hottest featherweight prospects in the country following a sixth round stoppage over tough former world title contender Chris Avalos (26-5, 19 KOs) in an exhilarating war,” ayon sa sa ulat.

“Both fighters came out swinging, immediately trading heavy shots in the opening round. In the second round, the 20-year-old Magsayo landed a solid left hook that wobbled Avalos. However, Avalos managed to survive by clinching and backpedalling.”

Bumagsak si Magsayo sa 3rd round nang masikwat ng isang left hook ni Avalos at nagpahinga lamang sa pamamagitan ng counter punching sa 4th round.

“In the fifth round, Magsayo unleashed an onslaught. He connected with a right hook that stunned Avalos and followed it with a barrage of lefts and rights. Avalos hung on and was saved by the bell.”

Napabagasak ni Magsayo sa 6th round si Avalos at na-groggy kaya’t hindi na ito nakaganti at napilitan si referee Danrex Tapdasan na itigil ang laban.

Nagwagi rin si WBO No.7 super lightweight Jason Pagara ng Pilipinas via 10-round unanimous decision laban kay Mexican Miguel Zamudio para mabigyan ng tsansa na hamunin si WBO champion Terence Crawford ng United States.

Umagaw din ng atensyon si WBO No. 1 rated light welterweight Jason Pagara (38-2, 23 KOs) nang maungusan ang karibal na si Miguel Zamudio ng Mexico (35-9-1, 21 KOs) via unanimous decision.

Ibinigay ng mga hurado ang iskor na 99-91, 98-92 at 98-92 pabor kay Pagara.