Angel Locsin

NANGGALING na mismo sa bibig ni Robin Padilla na si Angel Locsin pa rin ang gaganap bilang Darna nang batiin niya ang aktres sa kaarawan nito sa live na Pilipinas Got Talent 5 nitong Abril 23, Sabado.

Ang wish kasi ni Robin sa kapwa niya hurado ng PGT5,  “Ang kahilingan ko naman sa Maykapal ay gumaling ka na para magawa mo na ‘yung Darna” na sinagot naman kaagad ni Angel ng, ‘Korek!’

Ha-ha-ha, mukhang nadulas din si Angel sa sagot niya at si Robin naman ay tila hindi rin aware na wala pang official statement ang Star Cinema kung sino ang gaganap sa Darna movie na ididirek ni Erik Matti.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Matatandaang ilang beses na naming isinulat na si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna dahil sa rami raw ng nag-audition ay wala pa ring mapili sina Direk Erik na babagay sa nasabing role.

Kaya nga ilang beses nagpupunta si Angel sa Singapore para sa therapy niya pagkatapos niyang sumailalim sa laser operation nang dalawang beses.

At kahit na anong bilin ng doktor ni Angel na bawal muna siyang magkikilos o tumanggap ng role na may fight scenes sa loob ng isa o dalawang taon ay hindi puwede dahil nga kailangan na niyang umpisahan ang Darna.

So, malinaw, si Angel pa rin ang gaganap bilang Darna.

Samantala, ang inabangan din namin ang wish ni Luis Manzano para sa ex-girlfriend, at ang sey niya, “Ako, ang wish ko kay Angel, definitely the best of health, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa buong pamilya mo. ‘Yun ang only wish ko for you and to your family, best of health sa lahat na ibibigay sa ‘yo ng Panginoon.” —Reggee Bonoan