BEIJING (Reuters) – Sumang-ayon ang China sa Brunei, Cambodia at Laos na hindi dapat makaapekto ang agawan sa teritoryo sa South China Sea sa ugnayan ng Beijing at ng Association of South East Asian National (ASEAN), sinabi kahapon ng Chinese Foreign Ministry.

Apat na kasapi ng 10-miyembrong ASEAN—ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Brunei—ay may inaangking bahagi ng South China Sea, na iginigiit ng China na pag-aari nito.

Sa pahayag sa Vientiane, Laos, nitong Sabado, sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang China ay nagkaroon ng “important consensus” sa Brunei, Cambodia, at Laos.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na