CABANATUAN CITY - Nadiskubre ng Police Regional Office (PRO)-Region 3 ang mga pekeng height waiver ng mga aplikante sa police service makaraang rekisahin ang mga isinumiteng dokumento ng mga ito.

Ayon kay Rodolfo Grande Santos, Jr., director ng National Police Commission (Napolcom)-Region 3, natuklasan ang mga bogus height waiver nang busisiin ang mga dokumentong isinumite ng mga aplikante sa PRO-3, na nakabase sa Camp Olivas sa Pampanga.

Natuklasang peke ang dry seal at pirma sa certificate of height waiver na isinumite ng ilang aplikante, na hindi muna pinangalanan ng Napolcom.

Inaalam pa ng pulisya kung saan nanggaling ang mga pekeng certificate of height waiver, na tanging Napolcom lamang ang maaaring mag-isyu, at libre ito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog