VICTORIA, Tarlac - Hindi akalain ng isang 18-anyos na babae na ang pagkalulong niya sa Facebook ay mauuwi sa pagkakabuntis sa kanya ng kanyang ka-chat, na inireklamo niya matapos na tumanggi itong panagutan ang responsibilidad sa kanya sa Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac.

Sa ulat ni PO1 Catherine Joy Quijano, inihahanda ang kasong seduction of minor laban kay Justice Alejandre Canlas, 20, binata, ng Bgy. San Fernando, Victoria, na nagtatago na ngayon.

Napag-alaman na Oktubre 7, 2015 nang nagkakilala ang dalawa sa Facebook hanggang magkasundong magkita at pumunta sa bahay ni Canlas hanggang sa sila ay magtalik.

Nang sumunod na buwan ay nakumpirma ng biktima ang pagbubuntis niya, ngunit hindi kinilala ng suspek ang sanggol. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog