TUTUTUKAN ng bansa ang huling paghaharap ng limang kandidato sa pagkapangulo sa ikatlong PiliPinas 2016 Presidential Debate ng Commission on Elections.

Bukas, Abril 24, haharapin nina Vice-President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe, at former Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas ang mga tanong tungkol sa kanilang plataporma at mga paninindigan sa mga isyu sa bayan sa Presidential Town Hall Debate na inorganisa ng COMELEC, KBP, ABS-CBN, at Manila Bulletin.

Ito ang huling malaking oportunidad ng mga kandidato upang patunayan sa harap ng milyun-milyong Pilipino na sila ay handa, may kakayahan, at karapatdapat na mamuno sa bansa dahil mapapanood nang live ang town hall debate mula sa Phinma University of Pangasinan sa iba’t ibang media platform - ABS-CBN sa free TV, ANC, the ABS-CBN News Channel Ch. 27 sa cable TV, DZMM TeleRadyo sa digital television (ABS-CBN TVplus) at SKYcable ch. 26, DZMM 630 sa AM radio, at sa pamamagitan ng livestreaming sa news.abs-cbn.com, mb.com.ph at iwantv.com.ph.

Maaari rin itong mapanood sa high-definition sa ABS-CBN HD Ch.167 at ANC HD (Ch. 182 sa Metro Manila; Ch.706 sa SKYcable regional subscribers) via SKYcable. Maging mga postpaid at prepaid subscribers ng ABS-CBNmobile ay maaaring makapanood gamit ang kanilang cellphones. Samantala, ang mga Pilipino sa ibang bansa ay maaaring tumutok sa TFC, the Filipino Channel, TFC IPTV, at TFC.tv.

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

Sina Karen Davila at Tony Velasquez ang magsisilbing moderator ng debate.

 

Town Hall

Ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang magtatanong sa mga partisipante dahil town hall ang napuntang format sa Kapamilya Network. Ang mga magtatanong ay napili mula sa mahigit isang libong Pilipino na nagpadala ng kanilang “Halalan Hugot” sa ABS-CBN. Ang mga tanong nila ay may kaugnayan sa trapiko at transportasyon, trabaho, kalusugan, foreign policy, edukasyon, OFW, at kapayapaan sa Mindanao.

Bawat kandidato ay makakasagot sa bawat tanong na makakatulong sa publiko upang malaman kung sino sa kanila ang may mahusay na kasagutan. Sa loob ng student plaza ng Phinma University of Pangasinan gaganapin ang town hall debate.

Face-Off

May pagkakataon ding magtanong ang mga kandidato sa kapwa kandidato sa Face-Off segment tungkol sa kanilang kakayahang mamuno sa bayan.

Ipanalo ang Pamilyang Pilipino

Ayon kay ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Head Ging Reyes, maaasahan ng madla na ibibigay ng bawat kandidato ang lahat lalo na at mahigpit pa rin ang karera sa pagkapangulo base sa resulta ng mga survey, dalawang linggo lang bago ang pambansang halalan sa May 9.

“We encourage voters to watch the debate. Wherever they are, ABS-CBN, with the COMELEC, KBP and Manila Bulletin – through all its platforms – will deliver this very important event to the Filipino people. Voters still have time to make up their minds about the candidates. Listen to their proposed policies, analyze their plans, look beyond motherhood statements and empty promises. This final debate is the last opportunity for voters to see where candidates stand on issues and how they differ,” ani Reyes.

Huwag palampasin ang PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate ng Comelec, KBP, ABS-CBN at Manila Bulletin, live, 6 PM sa ABS-CBN, ANC, DZMM TeleRadyo, DZMM 630, news.abs-cbn.com, iwantv.com.ph, mb.com.ph, at gamit ang ABS-CBNmobile. Ang mga Pilipino sa ibang bansa ay mapapanood naman ito sa TFC, the Filipino Channel, TFC IPTV, at TFC.tv.

Magkakaroon din ng “Halalan 2016 Debate Special” simula 3 PM sa DZMM TeleRadyo kasama sina Julius Babao at Jing Castaneda, 5 PM sa ANC kasama sina Alvin Elchico at Lynda Jumilla, at 5:45 PM sa ABS-CBN kasama nina Elchico and Jumilla. Mapapanood din ng viewers gamit ang digital special livestream ni TJ Manotoc na tatalakay sa social media buzz sa nagaganap na debate.