Dinaig ng Arellano University Chiefs, sa pangunguna nina Zach Nichols at rookie Adam Gupilan, ang Centro Escolar University Scorpions, 82-74, kamakailan sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament elimination round sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Hataw sina Nichols at Gupilan, mula sa Los Angeles, California, sa 23 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Bunsod ng panalo, nakabawi ang Chiefs sa 78-82 kabiguan sa Adamson Falcons.

Sa junior match, pinulbos ng Far Eastern University Baby Tamaraws ang Pace, 88-33, para sa ikalawang sunod na panalo sa Group A.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Naitala naman ng Manila Patriotic School ang unang panalo sa tatlong laro kontra sa San Beda-Alabang, 93-50, sa roup B.

Hindi rin nagpadaig ang Letran-A sa dominanteng panalo kontra Jose Rizal University-A, 80-64, para sa ikalawang sunod na panalo sa Group A ng senior division.

Ginapi naman ng JRU-B ang Letran-B, 69-62, sa Group A.

Hataw sa 19 na puntos si Evan Agbong para sandigan ang Adamson Baby Falcons kontra La Salle-Greenhills B, 85-63, habang pinataob ng Chiang Kai Shek College ang LSGH-A, 85-66.