CABIAO, Nueva Ecija - Tinutugis ngayon ng tracker team ng Cabiao Police ang isang 36-anyos na personal aide ng re-electionist na alkalde ng Arayat, Pampanga makaraang aksidente nitong mabaril ang dalawang batang pamangkin habang nakikipag-inuman sa Barangay Sinipit sa bayang ito, noong Lunes ng hapon.

Ayon sa Cabiao Police, tumakas si Arnel Alfaro, ng Purok I, Bgy. Sinipit, makaraang mabaril sina Vincent Alfaro, 7; at Jennilee Alfaro, na tinamaan ng bala sa kaliwang hita at paa.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 3:00 ng hapon at nakikipag-inuman ang suspek sa bahay ng isang Amang Alfaro nang bigla niyang binunot ang baril sa sariling beywang at pinaputok, pero aksidenteng natamaan ang mga biktima.

(Light A. Nolasco)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol