DELFIN ALBANO, Isabela - Labis ang kalungkutan ng isang ama matapos niyang malaman na nagpakamatay ang anak niyang dalagita makaraan niyang mapagalitan ito sa Barangay San Antonio sa bayang ito.

Kinilala ni Senior Insp. Ben Bumanglag ang nagpatiwakal na si Angelica Bulfa, 14, ng Bgy. San Antonio, Delfin Albano.

Sa pagitan ng 1:00 ng umaga at 2:00 ng umaga kahapon nadiskubre ng siyam na taong gulang na kapatid ni Angelica ang kanyang pagpapatiwakal, makaraan siya nitong matagpuang nakabigti sa puno ng suha habang may nakapulupot na kumot sa leeg.

Nauna rito, napagalitan ng ama ang dalagita dahil nagtungo ito sa peryahan nang hindi isinasama ang kapatid.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Posible ring sa gitna ng tampo sa ama ay nangulila ang dalagita sa ina, na nagtatrabaho sa Hong Kong, ayon sa pulisya. (Liezle Basa Iñigo)