Naniniwala ang mga disiplinadong motorsista na ang ‘no- contact apprehension policy’ ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang magpapatino sa mga pasaway na driver, lalo na sa mga bus at taxi.

Ito ang opinyon ng negosyanteng si Danny De Gula ng Caloocan City, hinggil sa ipatutupad na polisiya ng MMDA epektibo ngayong araw.

Sa ‘no-contact apprehension policy,’ maaaring isyuhan ng ticket o kasuhan ng paglabag sa batas trapiko ang sinumang driver na hindi na kailangan pang lapitan ng traffic constable para tiketan.

Kapag napanood sa CCTV na lumabag sa traffic rules ang isang driver gaya ng obstruction at beating the red light, ipadadala ng mensahero ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) o sa pamamagitan ng koreo ang ticket at notice of traffic violation na may kalakip ng screen grab ng CCTV sa bahay ng violator.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Nakasaad na rin dito kung magkano ang babayarang penalty. (Orly L. Barcala)