SA prescon Super D, hindi napigilan ni Bianca Manalo na mapaiyak nang ipinakita sa screen ang larawan ng kanyang ama na si Mr. Rodrigo Manalo kasabay ng tanong sa kanya kung bakit “super” ang kanyang ama.

“Kung nandito lang sana ang daddy ko, sasabihin noon sa akin, na ‘why are you crying?’ Bawal kasi kaming umiyak. Birthday niya kahapon, so, mabigat para sa akin ang buwan na ito,” wika ni Bianca na bumubuhos ang luha habang nagsasalita.

Sinagot niya ang tanong kung bakit super ang daddy niya.

“Kasi hanggang sa mawala siya, he doesn’t want to be a burden to the family. May nararamdaman na pala siya. ‘Pina-autopsy pa namin ang katawan niya only to find out kung bakit siya namatay.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

“Bakit super ang daddy ko, ginawa niya ang lahat para sa pamilya namin. Ayaw niya kaming makita siguro na malungkot o nagsa-suffer. Gusto niya siguro na makita kami na masaya kasi masayahin siya, eh,” seryosong tugon ni Bianca.

Dugtong pa ng dalaga, nararamdaman pa rin niya ang presensiya ng kanyang ama lalo na sa mga ginagawa niyang proyekto.

“Naku, Daddy, grabe kang magparamdam. Sa OTWOL kay Tatang Sol, nakikita ko sa kanya ang daddy ko. Ngayon naman, may Super D alam kong kasama ko pa rin siya at nandito lang siya parati,” banggit pa ng kapamilya aktres na pilit na pilit ang ipinakitang ngiti.

Binanggit din ni Bianca na super close silang magkakapatid sa kanilang ama.

“Siya ang nag-train sa akin sumagot sa question and answer sa beauty contest. Everytime na nanonood siya ng beauty pageant, tinatawag niya ako. Kumbaga, sinasabi niya sa akin na dapat ko raw panoorin ‘yun.

“Kapag sumasagot na ang kandidata, eh, hinihinaan niya ang volume at sasabihin naman niya sa akin na, ‘how do you answer that question?’ Nagtataka ako kung bakit niya ‘pinapasagot sa akin, ‘yun pala, eh, gusto niyang maging beauty queen kami,” sey pa ni Bianca.

Todo-todo rin ang suportang ibinibigay ni Bianca sa kapatid niyang si Nicole na may pangarap ding sumunod sa mga yapak niya bilang beauty queen.

“As in hanggang sa tip, hanggang sa paano sasagot, composure, hinga nang malalim, huwag masyadong ma-pressure.

Although, pressure talaga ito dahil bunso na siya. Lagi ko lang sinasabi na i-enjoy.

“Sabi ko, ‘Alalahanin mo, pinagdaanan ko na rin ang kaba na ‘yan.’ Kasi siyempre, may ate na akong panalo. Sabi ko lang, ‘Hingang malalim at i-cherish niya lang ang moment,’” napangiting pagkukuwento pa rin ni Ms. Bianca Manalo na isa sa major cast ng seryeng Super D na pinagbibidahan ng kapwa niya alaga ng Backroom na si Dominic Ochoa.

(JIMI ESCALA)