CONCEPCION, Tarlac - Apat na katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Barangay San Vicente sa bayang ito.

Ayon kay SPO1 Eduardo Sapasap, nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Miner Malonzo, 24, driver ng Suzuki Raider motorcycle (CA-55324); Janice Cochico, 38, driver ng Euro motorcycle; Ana Camil, 25; at Jazz Richard Cubacub, 4, pawang residente ng Bgy. San Vicente, Concepcion.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 4:30 ng hapon, bumabagtas pakanluran ang Suzuki motorcycle nang aksidenteng makasalpukan nito ang kasalubong na motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog