CABANATUAN CITY – Muntikan nang mapatay ang isang 34-anyos na deputy chief ng Bantay Bayan makaraang pagtulungang bugbugin ng magkakapatid na matagal na niyang kaalitan sa Purok 3, Barangay M.S. Garcia sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonino Mariano y Alcaraz, ng Purok 3, Bgy. M.S. Garcia, na nagkapasa-pasa ang halos buong katawan matapos pagtulungang gulpihin nina Freddie Valentino, Randel Valentino, Raf-Raf Valentino, at Ryan Valentino, pawang taga-Purok 5, Bgy. M.S. Garcia.

Sa imbestigasyon ni SP01 Joel Mendoza, dakong 6:00 ng gabi nitong Linggo nang kuyugin ng magkakapatid ang biktima.

Pinaghahanap na ng pulisya ang magkakapatid para papanagutin sa attempted homicide. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog