Ni NORA CALDERON

Marian RiveraTODO na uli ang pagtatrabaho ni Marian Rivera.

Nalaman sa presscon ng ini-endorse niyang Maxi-Peel Exfoliant na magkakaroon siya ng fight scenes bilang si Ynang Reyna sa Encantadia 2016, kaya nagsisimula na raw siyang magpraktis sa bahay nila ni Dingdong Dantes.

Sa isang video na lumabas, habang nagpa-practice si Marian ng action moves niya, kitang-kita na kayang-kaya talaga niyang makipag-fight scene.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Inspired yata si Marian dahil ang asawa mismo ang kaagapay niya bilang si Haring Raquim.

Excited ba siya lalo’t matagal-tagal na rin huli nilang pagtatambal (four years ago sa My Beloved)?

“Oo naman,” nakangiting sagot ni Marian.  “Kahit araw-araw kaming magkasama ni Dong, iba pa rin iyong magkasama kami sa trabaho. Kahit sabihin ninyong corny, pero medyo kinikilig ako. Kahit pa may Baby Zia na kami, iba pa rin ang feeling kapag sa trabaho na.

“Nakakatuwa nga noong una kaming mag-shoot ng TV commercial ng Philippine National Bank, nagtanungan pa kami kung ano ang feeling na muli kaming magkatrabaho. Kinikilig ba siya tulad ng nararamdaman ko, sabi niya, excited din daw siya. May ganoon kaming moment ngayon.

“Nakakatuwa dahil hindi pa rin nawawala sa amin iyon. Saka rumururok iyong pagkaano ko sa kanya. Rurok talaga ng pagnanasa! Nakakatuwa kasi si Dong, the more na naging tatay na siya, mas naging passionate siya. Iba talaga. May nagsabi nga na yummy pa rin si Dong, para sa akin, hindi. Kapag sinabi kasing yummy, parang nakakaumay, hindi, hindi ganoon si Dong. Ay, naku, baka masundan agad si Zia,” at tumawa nang tumawa si Marian.

Malamang next week, magsimula na ring mag-taping si Marian ng “Encantadia 2016” kasama ang mga Sang’gre na gagampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia, sa direksyon ni Mark Reyes.