Umakyat ng may 19 hakbang ang Philippine Men’s National Football team Azkals sa nakuhang 116th spot sa pinakabagong FIFA world men’s football ranking na inilabas kamakailan.

Nakausad ang Azkals sa world ranking bunsod nang matikas na kampanya sa Group Stage ng FIFA World Cup/ AFC Asian Cup qualifiers sa nakalipas na Marso kung saan nagpasiklab ang Azkals laban sa Uzbekistan bago ang panalo kontra North Korea.

Nagawang magtapos ng Azkals sa ikatlong puwesto sa Group H, para mabigyan ng awtomatikong qualification card sa third round ng 2019 AFC Cup Qualifiers

Ang 116th rank ang pinakamataas na inabot ng Philippine Azkals mula nang makamit ang dating pinakamataas na ranking sa 127th noong 2013.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasalukuyang nagpapahinga ang Azkals para paghandaan ang AFF Suzuki Cup sa susunod na buwan.