Alden Richards

Ni Nora Calderon

MULING pinatunayan ni Alden Richards ang kanyang karisma nang siya ang mag-open ng taunang Bangus Festival sa Dagupan City last Friday.  

Ang GMA Regional TV ang kaagapay ngayon sa month-long celebration sa Dagupan, kaya isinabay dito ang Kapuso Fans Day ni Alden na nakasama si John Feir as host ng show.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Maaga pa ay may nag-post na kung gaano karami ang tao sa Dagupan City Plaza kahit wala pa si Alden na nanggaling pa sa Eat Bulaga dahil 7:00 PM pa naman ang simula ng programa.  

Ayon sa friend namin from Dagupan City, nahirapan ang security nang dumating daw si Alden sa venue kung paano siya iaakyat sa stage dahil wala nang madaanan kahit secured na iyong gilid ng entablado.

Estimated 8,000 daw ang mga tao na nag-extend pa sa barriers na inilagay nila sa palibot ng plaza, dahil ang capacity lamang ng grounds ay 5 thousand. Nagpasalamat naman si Alden na overwhelmed sa init ng pagtanggap sa kanya ng mga Dagupeño.  

May nag-post pa na multi-tasking daw si Alden dahil habang kumakanta, pumipirma rin siya ng autograph ng magazines na cover sila ni Maine Mendoza.

Nag-update din siya sa mga tao na naghahanap kay Maine.

“Siya po naman ang nag-attend ng awards night ng Gawad Tanglaw na pareho kaming may awards,” sabi ni Alden. “Hindi nga po kami sabay naka-attend, pero sa susunod na pagpunta ko dito sa Dagupan, sisiguraduhin kong kasama ko na siya.”

Magpapatuloy ang Bangus Festival sa buong buwan. Sa April 15, magkakaroon ng float parade na itatampok ang cast ng Magkaibang Mundo sa pangunguna nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.  At sa huling gabi ng festival, magaganap ang Kapuso Night sa festival ground ng Judge de Venecia Highway na kasama naman ang cast ng Because of You na sina Carla Abellana, Rafael Rosell, Joyce Ching at Kristoffer Martin, sina Andrea Torres at Mike Tan naman for The Millionaire’s Wife at sina Bea Binene at Derrick Monasterio ng Hanggang Makita Kang Muli.