Sumagwan ng siyam na gintong medalya, dalawang pilak at isang tanso ang Philippine Coastguard Dragonboat squad at ang Philippine Army Dragon Warriors sa International Dragonboat Federation (IDBF) Club Crew World Championships, kamakailan sa Adelaide, South Australia, .

Nagwagi ang Coastguard men and women dragonboat team ng limang ginto at tig- isang medalyang pilak at tanso habang kumopo naman ang Army ng limang gintong medalya at isang pilak.

Kabilang sa mga napanalunang gintong medalya ng Coastguard ang 500m mixed standard boat, 500m women small boat, 500m open small boat, 200m mixed standard boat at 200m women small boat.

Galing naman ang kanilang medalyang pilak at tanso sa 200m open small boat at 2000m mixed standard boat, ayon sa pagkakasunod.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagwagi naman ng ginto ang Army paddlers sa 2000m open small boat, 500m mixed small boat, 200m mixed small boat at 200m open small boat ‘habang galing naman ang kanilang medalyang pilak sa 500m open small boat.

Ito ang unang pagkakataon na pinahintulutan ng pamunuan ng Army na magsama ang koponan ng babaeng paddlers.

Hindi naman sila nabigo dahil nalagpasan ng Army ang napanalunang dalawang gintong medalya aa ikasiyam na edisyon ng kampeonato na idinaos sa Italya noong Setyembre 2014. (Marivic Awitan)