Isinama ng isang 22-anyos na ama sa kanyang pagpapatiwakal ang apat na buwang sanggol niyang anak sa labis niyang hinanakit sa asawa na nang-iwan sa kanila, sa Basud, Camarines Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Chief Insp. Rojelyn Calandria, hepe ng Basud Municipal Police, na natagpuang magkatabing nakabigti at wala nang buhay si Don-Don Ebdani at ang anak niyang apat na buwang babae, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pinagwarasan sa Basud, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi umano nakayanan ni Ebdani ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kinakasama, na bumalik na umano sa pamilya nito.

Mismong ang ina ni Ebdani na si Leonida Ebdani ang nakatuklas sa pagbibigti ng mag-ama.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Napaulat na dadalawin sana ni Leonida ang apo na nilagnat ilang araw na ang nakalipas. (Fer Taboy)