Papalapit sa kanilang centennial celebration, papalaki rin at lalo pang nagiging matatag ang National Collegiate Athletic Association.

Kasunod ng kanilang matagumpay na 91st Season, magbubukas ang 92nd year ng NCAA sa Hunyo 25 sa pamamagitan ng double-header sa MOA Arena.

Ngunit, matatadaan na noong isang taon, may apat na laro sa isang linggo ang 92nd season kung saan lalaruin ang seniors games tuwing Martes, Huwebes at Biyernes, at tuwing Lunes naman ang juniors.

Muling magsisilbing venue para sa karamihan ng mga laro ang San Juan Arena habang ang mga krusyal na laban ay gagawin sa MOA Arena.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“We look forward with so much eagerness to be the hosts of the NCAA season,” sambit ni incoming league chairman Fr. Aloy Maranan.

Ang tema ng magiging pagdiriwang sa kabuuan ng season ay “Sports build character: Achieving breakthrough at NCAA 92," ani Maranan.

Idinagdag din nito ang pagkakaroon ng mga kasunod pang anunsiyo ng liga pagkatapos ng una nilang official board meeting sa Abril 20. (Marivic Awitan)