CONCEPCION, Tarlac - Sinawing-palad na mamatay ang isang binata matapos siyang makuryente habang kinakabitan ng linya ang isang bahay sa Barangay Sta. Rita, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III ang nasawi na si Edgar Dizon, 38, ng nasabing barangay.

Sa paunang pagsisiyasat ni PO2 Baluyut, nangyari ang insidente dakong 12:30 ng tanghali matapos tangkain ni Dizon na palitan ang kawad ng kuryente sa bahay ni Roberto Tupil.

Napahawak si Dizon sa high tension wire hanggang sa mangisay at makuryente. (Leandro Alborote)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman